Lumaktaw sa pangunahing content
Sining ng Pakikipagtalastasan at sa wikang Filipino
- 1. SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN AT PANITIKAN SA WIKANG FILIPINO
- 2. PAKIKIPAGTALASTASAN • isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. • ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa • KOMUNIKASYON (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") - aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. • Diksiyunaryong Webster - Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
- 3. APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG 1. Paglalahad Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng katanungang “bakit”. 2. Paglalarawan Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito. • Karaniwang paglalarawan • Masining na paglalarawan
- 4. 3. Pagsasalaysay Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kailan, at ano. 4. Pangangatwiran Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa mga sarili at magbigay dahilan sa mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili. • Pangangatwirang Pabuo (inductive reasoning) - nahahati sa tatlong bahagi: pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari at sa sanhi; at pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. • Pangangatwirang Pasaklaw (deductive reasoning)
- 5. Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan
- 6. Ang Wika at Pakikipagtalastasan • Pakikipagtalastasan - proseso ng paglilipat ng mensahe o impormasyon • Wika - instrumento ng pakikipagtalastasan - lumalawak at yumayaman KATANGIAN NG WIKA 1. binubuo ng tunog 2. Dinamiko 3. Arbitraryo 4. nanghihiram ang lahat ng wika 5. may sariling kakanyahan 6. may kaugnayan sa kultura
- 7. Kahulugan ng Wika ayon sa mga Dalubhasa • Ayon kay Frans Boas, antropologo, ang wika ng tao ay tulad ng sa hayop. • Ayon kay Constantino, ang wika ay daluyan, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng kultura. • Ayon kay Peñalosa, ang wika ay may layong lumikha ng pagbabago sa kilos, isipan at damdamin ng tao. • Ayon kay Brumfit, ang gampaning pangwika ay sa kung ano ang ginagawa ng nagsasalita sa kanyang wika.
- 8. Teorya sa pinagmulan ng Wika • Bow-Wow – tunog ng kalikasan • Yum-Yum – pagkumpas o paggalaw • Pooh-pooh – masidhing damdamin • Yo-he-ho – pwersang pangkatawan • Ding-dong – lumilikha ng sariling tunog URI NG KOMUNIKASYON • komunikasyong verbal – nababasa at pasalita • komunikasyong di-verbal – kilos, ekspresyon ng mukha
- 9. • Wikang Pasalita -may kontekstong sosyal - may kagyat na feedback - gumagamit ng paralanguage (tunog na nalilikha, binubuo ng dami, bilis at taas ng tinig ng nagsasalita) - anyong tuloy tuloy - gumagamit ng informal na salita - maaaring ulitin, linawin, baguhin - madaling natatamo - natutunan sa natural na proseso - madaling isalin • Wikang Pasulat - gawaing mag-isa - maraming rebisyon - walang kagyat na feedback - panindigan ang naisulat - higit na formal ang salita - higit na husay sa paglalahad - formal na pagtuturo at pagkakatuto - higit na mahirap na pagpapahayag
- 10. Tungkulin ng Wika • pagkontrol sa kilos ng iba – pakiusap, pag-utos, pag-suggest, pagtanggi • pagbibigay o pagkuha ng impormasyon – pagtukoy, pagtatanong, pag-uulat • pagbabahagi ng damdamin – pakikiramay, pasasalamat, pagpayag, pagpuri • pangangarap – magsalaysay o magkwento • pagpapanatili ng pakikipagkapwa – pagbati, paghingi ng tawad, pagbibiro Apat (4) na Kategorya Batay sa layunin ng Nagsasalita • deklarativ (declarative) • ekspresiv (expressive) • komisiv (pangako, pananakot) • direktiv (directive – utos o pakiusap)
- 11. Antas ng Wika - Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao , sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan 1. Pormal – ito’y antas ng wika na istandard at kinikilala/ ginagamit ng nakakarami. • Pambansa • Pampanitikan 2. Impormal – antas ng wika na karaniwan, palasak, pang- araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan • Lalawiganin • Kolokyal • Balbal • Salitang Pang-LinguaFranca
- 12. Filipino bilang Pambansang Wika - isinatas ni Pangulong Manuel Quezon sa Saligang Batas 135 – Batas Komonwelt Bilang 184 na ang Filipino ang Pambansang Wika at ang pangunahing batayan ay ang Tagalog Dahilan sa pagpili ng Tagalog • hindi mahirap sa mga hindi Tagalog • nagtataglay ng 5,000 salitang hiram • mayaman sa talisalitaan • madaling pag-aralan
- 13. Ang Retorika at Balarila sa Pagpapahayag • Retorika o Sayusay - isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. - Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe - Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid.
- 14. - Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor, na nangangahulugang "guro" o "mahusay na mananalumpati". - Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at, samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estilo sa pananalita kundi maging sa paggamit ng jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa mga taga-pakinig. - ang retorika ay nakatuon sa maaring magawa ng mga salita at hindi sa kinakailangang istraktura o ayos ng mga salita sa isang pahayag. - Ang binibigyan-priyoriti sa retorika ay kalayaan sa pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang ipinagbabawal ng lojic at balarila.
- 15. “Tulad ng salapi at enerhiyang atomiko, ang mga salita ay magagamit sa mga layuning mabuti at masama.” - (halaw mula sa salaysay ni William D. Halsey)
- 16. Retorika bilang isang sangay ng pakikipag-dayalogo • Sa isang dayalogo, nangangailangan ng dalawa o higit pang indibidwal upang ito ay maisagawa. • Ang retorikal na paggamit ng mga salita ay hindi lamang mailalapat sa interpersonal na uri ng komunikasyon; bagkus, ito rin ay maaaring magamit sa mas malaking kantidad ng tao. Kahalagahan at kaugnayan ng Retorika at Wika - Edukasyon - Relihiyon - Politika - Legalidad - Kultura - Sosyolohiya
- 17. Balarila • Pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: - morpolohiya (pagsusuri sa pagkakabalangkas ng mga salita) - sintaks (pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang pangungusap) - ponolohiya (wastong pagbigkas) - semantika (kahulugan ng mga salita at parirala) - etimolohiya (ugat o palaugatan ng mga salita) • Tumutukoy rin ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit. • Kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita.
- 18. Ang Palatunugan o Ponolohiya • pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang makalikha ito ng kahulugan. PONEMA - ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento